Kanina dahil sa isa kong kaklase nung HS, may naalala tuloy akong bigla. Minsang mong nasabi na, yung dalawang magkapareha na yon ay maghihiwalay kasi yung lalaki parang walang pakialam sa babae. Sabi mo baka hindi sila magtagal kasi parang hindi sila kung tratuhin nila ang isa't isa kung minsan. Pero tignan mo nga naman oh. Mas nanatili at mas naging matibay pa yung dalawa na yun kesa sa ating dalawa. Kesa sa ating dalawa na inaakalang magtatagal ng karamihan. Hayy. Galing nga naman talaga ng tadhana. :)
Some where we went wrong.