Akala ko space lang yung kelangan mo kaya naman maluwag sa loob ko yung binigay sayo. Pero ngayon, ang gusto mo eh kalimutan na ako. Eh akala ko ba nung tinanong kita kung gusto mo bang magkalimutan na lang tayo o maging magkaibigan pa rin, sabi mo gusto mong maging magkaibigan tayong dalawa. Saka naalala mo noon? Napag usapan nating maging matalik na magkaibigan kung saka-sakaling matatapos yung kung anong meron sa ating dalawa. Pero sabi mo nun, hinding hindi naman yun mangyayari. Akala ko okay na tayo. Sabi mo nung nakaraan natauhan ka na at gusto mo tayo na lang ulit. Pero nagsabi ako nung nagddoubt ako kung sigurado ka ba dun. Nagkakatext tayo at okay naman. Natutuwa nga ako eh. Kasi kahit wala na tayo, maayos pa rin ang pakikitungo natin sa isa't isa at walang halong bitterness. Kagabi nagtext pa nga ako ng gusto ko tayo na lang ulit kahit pa paulit ulit tayong mag away kasi nakatulog ka non at sinamantala kong sabihin yung gusto kong sabihin. Pero pag gising ko, iba ang bumungad sa aking text. Akala ko kasi ikukwento mo na yung sa Tumblr post mo kasi sabi ko nung gabi, ikwento mo yun sakin pagkagising mo. Pero mali pala ako. :)
Sabi sa text na yon, ipinapagdasal mong makalimutan mo ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero ayokong magpaka-negative. Sa tingin ko ginagawa mo yun, para makalimutan yung nagawa mo sakin. Kasi alam kong masyado kang naging depressed matapos nating maghiwalay. At masyado mong sinisisi ang sarili mo at sobra kang naiinis sa sarili mo. Pero ang sakit.
Ayoko sana maging bitter. Gusto ko sanang mapanatili yung pagkakaibigian natin. Gusto ko sana ikaw pa rin yung taong unang kong pagsasabihan ng lahat ng nangyayari sa akin. Gusto ko sana magkulitan pa rin tayo. Gusto ko sana parang dati pa rin, yun nga lang wala nang tayo. Gusto ko sana tayo na lang ulit.
Pero sige. Dahil yun ang gusto mo, ibibigay ko. :) Ako na lang mismo yung gagawa ng paraan para makalimutan mo na nga ako.
Pero sige. Dahil yun ang gusto mo, ibibigay ko. :) Ako na lang mismo yung gagawa ng paraan para makalimutan mo na nga ako.
Akala ko ba walang iwanan magbabago? Akala ko ba andyan ka pa rin naman kahit wala nang tayo?